Magpapatupad ng oil price rollback sa pangunguna ng Pilipinas Shell ngayong Martes ng madaling araw.

Sa anunsiyo ng Shell, epektibo dakong 12:01 ng madaling araw ng magtatapyas ng P1.10 sa presyo ng kada litro ng kerosene, 85 sentimos sa diesel at 50 sentimos naman sa gasolina.

Asahan naman ng motorista ang pagsunod ng ibang oil company sa kahalintulad na price rollback sa petrolyo kahit walang inilalabas na abiso ang mga ito.

Ang bagong bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

Noong Marso 10, nagtaas ang Shell ng 95 sentimos sa presyo ng diesel at 55 sentimos sa gasolina habang walang paggalaw ang halaga ng kerosene nito.