Melai

BUMAGAY kay Melai Cantiveros ang Nora Aunor-look o ang pag-impersonate niya sa superstar sa nakaraang episode ng Your Face Sounds Familiar sa ABS-CBN.

Naatasan si Melai na gayahin ang kanyang idolong si Ate Guy sa itsura at sa pagkanta ng pinasikat na awit ng aktres, ang Pearly Shells, noong dekada 70.

Umani ng palakpakan at tawanan mula sa audience at maging sa tatlong judges na sina Gary Valenciano, Jed Madela at Sharon Cuneta ang performance ni Melai with matching nunal sa pisngi maging ang buhok ng aktres.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

“Noong pumasok ka, sabi ko kay Jed, ‘Si Ate Guy ba ‘to, o si Maria Leonora Teresa?’ Ang galing ng pagkaka-interpret mo, pero siyempre ‘pag si Ate Guy, talagang ano siya, hindi siya comedy. Pero ‘yun naman ang naging tatak ni Melai,” sabi ni Sharon.

“Alam natin na sobrang hirap i-impersonate si Ate Guy, kasi iconic eh, iconic ‘yung kanyang mukha, ‘yung kanyang boses, ‘tapos huli ka pa, di ba, so sobrang hirap,” sabi naman ni Jed. “Sobra akong bilib sa ‘yo, you took the challenge, at napasaya mo kaming lahat.”

Bilib din si Gary V. sa ginawa ni Melai.

“Kung ang mga ibang artist, eh, ginaya nila, at talagang kamukhang-kamukha nila ‘yung artist na in-impersonate nila, ikaw, alam mo ‘yung mga caricature?” pabirong sabi ni Mr. Pure Energy. “Pero grabe ‘yung ginawa mo kanina, kaya challenge din ngayon sa iba kasi ikaw, caricature na maganda ‘yung pagka-emote. Kung isa ako sa nanonood ngayon, kunyari may listahan na sila, ito ‘yung ranggo, pero paglabas mo, parang malilito sila.”

Kasama sa celebrity performers sina Karla Estrada na ginaya si Sharon Cuneta; Nyoy Volante bilang Michael Jackson; Jay-R na si Pepe Smith naman ang ginaya; Tutti Caringal as Freddie Aguilar; Maxene Magalona bilang si Taylor Swift; Edgar Allan Guzman na kopyang-kopya ang impersonation kay Usher; at si Jolina Magdangal as Lady Gaga.

Tiyak na aabangan lagi ng viewers ang weekend dahil masayang panoorin ang Your Face Sounds Familiar. Kami nga excited na kung sino ang bago nilang ii-impersonate at kung mahahatak ba ng mga katunggali si Jay-R na nasa top rank among eight impersonators. –Ador Saluta