LOS ANGELES (AFP)- Sumailalim si Manny Pacquiao sa random drug test noong Linggo, dalawang araw matapos ilahad ng US Anti-Doping Agency na ang Filipino boxing icon at makakalaban na si Floyd Mayweather ay pumayag sa Olympic-style testing.

Sa ulat ng GMA News sa homeland ni Pacquiao, idinetalye na kinuhanan ng dugo at urine samples si Pacquiao ng isang medical technician na naging dahilan upang mabisita ang training area ng Pambansang Kamao sa Los Angeles.

Sumang-ayon si Pacquiao ng karagdagang doping protocol bilang bahagi sa kontratang nilagdaan upang kalabanin ang unbeaten US rival na si Floyd Mayweather sa Mayo 2 sa Las Vegas sa pinakahihintay na bakbakan na sinasabing gagawa ng boxing revenue records.

Kinakailangan nina Mayweather at Pacquiao na maging handa sila para sa random blood at urine tests at bigyan ang US anti-doping officials ng travel itineraries. Susuriin pa rin sila matapos ang sagupaan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang samples ay susuriin para sa human growth hormone (HGH), erythropoietin (EPO) at iba pang substances.

Naging isyu ang drug testing noong 2010 nang sumadsad ang usapan sa Mayweather-Pacquiao showdown. Inakusahan ni Mayweather si Pacquiao na gumagamit ng performance-enhancing drugs.

Pinabulaanan naman ni Pacquiao ang akusasyon at kinasuhan si Mayweather, ang kaguluhan na naisa-ayon naman ng dalawa sa korte.