Nakatakdang sampahan ngayong araw ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act ang isang 60 anyos na babae makaraang mahulihan ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Davao del Norte, inulat kahapon.
Ayon sa Davao del Norte Police Office, naaresto ang suspek sa bus terminal sa Tagum City makaraang makipagkita sa isang police agent na nagpanggap na bibili ng shabu.
Kinilala ang suspek na si Natividad Papaya Pansit, 60, ng Mt. Diwata, Diwalwal, Monkayo, Compostela Valley Province, na nahulihan ng may 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1 milyon.
Sinabi ni Chief Insp. Francis Sonza, hepe ng Davao del Norte Criminal Investigation and Detection Group, courier umano ang suspek at inaalam pa nito kung sino ang source nito ng shabu.
Nabawi rin ng pulisya ang marked money na P500 at pekeng salapi na na ginamit sa entrapment operation.