SUVA, Fiji (AFP)-- Inilarawan ng aid agencies noong Lunes ang mga kondisyon sa Vanuatu na kabilang sa pinakamapanghamon na kanilang hinarap, habang sinisi ng pangulo ng bansa sa Pacific ang climate change sa lumalalang pamiminsala ng mga bagyo.

Nagdatingan na ang relief flights sa napinsalang kabisera, ang Port Vila, matapos itong hagupitin ng Super Tropical Cyclone Pam noong Biyernes ng gabi taglay ang lakas ng hangin na hanggang 320 kilometro bawat oras.

Ngunit sinabi ng mga manggagawa sa ground na walang paraan para maihatid ang mga kinakailangang supplies sa lahat ng 80 isla ng arkipelago, nagbabalang aabutin ng ilang araw bago maipamahagi sa malalayong pamayanan na pinatag ng dambuhalang bagyo.

Sinabi ni Save the Children’s Vanuatu director Tom Skirrow sa AFP na ang logistical challenges ay mas malala pa kaysa Super Typhoon Haiyan (Yolanda), na nanalasa sa Pilipinas noong Nobyembre 2013, na pumatay ng mahigit 7,350.

Probinsya

13-anyos na babae, hinalay matapos mangaroling

“I was present for the Haiyan response and I would 100 percent tell you that this is a much more difficult logistical problem,” aniya. “The numbers are smaller but the percentage of the population that’s been affected is much bigger.”

Sinabi ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs na ang cyclone, na may maximum category five nang ito ay tumama, ay nakaapekto rin sa iba pang mga bansa sa South Pacific kabilang na ang Solomon Islands, Kiribati, Fiji, Tuvalu, at Papua New Guinea.

Sa hindi pa makumpirmang ulat ng UN, ang cyclone ay pumatay na ng 44 katao sa isang probinsiya pa lamang sa Vanuatu, at sinabi ng Oxfam na malawak ang pinsala sa Port Vila.