Sharon Cuneta

CLUELESS si Sharon Cuneta sa inilabas na taped interview sa The Buzz last Sunday tungkol sa break-up nina Paulo Avelino at ng kanyang daughter na si KC Concepcion. Kaya nang hingan ng reaksiyon, walang maisagot agad-agad ang megastar sa hiwalayan ng dalawa.

Sabi na lang niya, “You know what? I’ll tell you this, ‘do I look like I was surprised?’ KC, I think ayaw niyang nag-o-open up sa ‘kin kasi ayaw niya na naa-a-affect ako.”

Ang kakatwa pa nito, noong nakaraang presscon ni Sharon para sa Your Face Sounds Familiar ay wala rin siyang naisagot tungkol sa tunay na estado ng relasyon ng anak sa aktor. Hindi raw kasi nagtatapat si KC sa kanya about her lovelife.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

“’Tsaka siyempre kunwari may LQ or something, minsan she won’t even tell me she’s with someone. Minsan malalaman ko na lang break na. [Ano ang sasabihin ko), ‘Ah nag-on ba kayo?’” sabay tawa.

Tiwala naman daw siya kay KC na she can handle her personal and private life.

“Alam niya ‘yan. I’m just being honest, I love her to death but we’re very different in a lot of ways,” sey pa ng megastar.

Sa nasabing interview kay Paulo sa The Buzz lang inamin ni Paulo na nagkaroon sila ng relasyon ni KC. Sa huling interview sa kanya sa presscon ng Bridges of Love, nagsalita pa siya na hindi naman daw puwedeng mag-break ang magkaibigan lang. Maraming pagkakataon na paliguy-ligoy ang sagot ni Paulo kapag tinatanong tungkol sa real score nila ni KC. Napaamin siya ni Boy Abunda kaya lumabas na hindi never siyang nagsabi ng totoo sa entertainment reporters.

Hindi na rin niya dinugtungan ng anumang salita ang kanyang pag-amin kay Kuya Boy.

Samantala, hindi nagbibigay ng payo si Sharon kay KC tungkol sa lovelife nito, ang nais lamang daw niya ay buksan din ang damdamin nito sa mga tao sa labas ng showbiz.

“Kasi I just don’t like na parang when I was like very young, ang nakikita ko lang ‘yung mga katrabaho ko. So, I married Gabby (Concepcion). I would have relationships with leading men. Parang I just want something maybe better than what I went through,” katwiran ni Sharon.

Pahabol pa ni Mega, “Not a better person, but just a better elimination process, a better, fairer one for her para makikita niya people from showbiz and people outside of showbiz.” –Ador Saluta