INILABAS na ng bid committee, na umaasang maisasagawa ang 2022 Winter Olympics sa Beijing, ang kanilang secret weapon.

Si Jackie Chan!

Kabilang na ang action superstar — isa sa pinakakilalang Chinese celebrity sa mundo — sa recording ng awiting Wake up Winter, na gagamitin para maisulong ang kampanya ng China.

“Wake Up Winter is actually a call to people around the world, an incessant eagerness for the Olympic spirit and a longing for friendship between people and countries,” sabi ng songwriter na si Wang Jiuping sa radio news service ng China.

National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets

Nanawagan ang mga Chinese official sa napakaraming musician para makibahagi sa recording, kabilang ang composer na si Zhao Jialin, na pumatok sa Internet noong nakaraang taon ang awitin niyang Little Apple.

Kaagaw ng Beijing ang Almaty, Kazakhstan, para sa 2022 Games.

Matatandaang nakibahagi rin si Jackie sa 2008 Beijing Olympics at ini-record niya ang awiting We Are Ready, na inawit din niya sa closing ceremony ng Games.

Nakilala sa kanyang nakamamangha at laging pinaghihirapang stunts sa mahigit 100 pelikula, nakapag-record na rin ang 60-anyos na aktor-direktor-producer ng maraming album sa lengguwaheng English at Cantonese. - Los Angeles Times, news.asiaone.com