Hindi lamang gulay kundi iron-fortified rice din ang dapat ihain sa school feeding program, isinulong ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DoST-FNRI) at Department of Education (DepEd).

Ayon sa DoST-FNRI, natuklasan sa pag-aaral nila, kasama ang International Institute for Rural Reconstruction (IIRR), angkop sa total development ng bata ang bio-intensive garden (BIG) na pinaghalo ang iron-fortified rice at ordinaryong bigas.

Sa isang pag-aaral sa tatlong paaralan sa Cavite, binigyan ng magkaparehong pagkain ngunit magkaiba ang inihaing kanin sa mga mag-aaral at dalawa rito ay pinaghalo ang iron-fortified rice sa ordinaryong bigas. Natuklasan ng researchers na bumigat ang mga batang nahainan ng BIG kumpara sa ordinaryong bigas at bumaba ang bilang ng mga anemic na bata mula 20.8 porsyento sa 4.2 porsyento.

Dahil maganda ang bunga ng pag-aaral, inaasahang ipatutupad ng DepEd ang BIG program sa pagbubukas ng klase sa Hunyo.
National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara