Isang panukalang batas na nakahain ngayon sa Kamara ang naglalayong doblehin ang 45 dialysis treatment sessions sa bawat taon para sa bawat kasapi ng PhilHealth sa ilalim ng National Health Insurance Program.

Sa House Bill No. 5403 na inakda ni Rep. Francisco A. Calalay, Jr. (1st District, Quezon City), inaatasan ang PhilHealth na itaas ang dialysis coverage sa mga miyembro hanggang sa 90 sessions kada taon.

Nakasaad sa PhilHealth Circular No. 6, Series of 2006, na ang availment o paggamit ng dialysis benefits para sa isang kasapi ay hindi dapat lumampas sa 45 araw bawat taon. Iginiit ni Calalay ang pangangailangan sa dialysis ng mga tao na may sakit sa bato.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!