Pia at Wyn-Wyn

ANG dating Star Magic artist na si Pia Alonzo Wurtzbach ang hinirang na Binibining Pilipinas-Universe 2015 sa grand coronation night ng Binibining Pilipinas beauty pageant nitong nakaraang Linggo, March 15, sa Araneta Coliseum.

Ang Binibining Pilipinas-International crown ay napunta naman kay Janicel Lubina na nag-uwi rin ng two special awards, ang Best in Swimsuit at Best in Evening Gown.

Ang Binibining Pilpinas Supranational crown ay napunta kay Rogelie Catacutan, at ang Binibining Pilipinas Intercontinental ay napunta naman kay Christi Lynn McGarry.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Si Ann Lorraine Colis ang tinanghal na Binibining Pilipinas-Tourism.

First runner-up si Hanna Ruth Simon at second runner-up naman si Kimverlyn Suiza.

Naging host ng gabing ‘yun sina Xian Lim at Toni Gonzaga na nagsuot ng mala-Cinderella costume sa umpisa ng programa. Ang segment hosts ay ang Bb. Pilipinas past winners na sina Ariella Arida, Venus Raj at Shamcey Supsup-Lee.

Mali ang inakala ng iba na magwi-win ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez na si Teresita Sen Marquez, a.k.a. WynWyn Marquez dahil hanggang top 15 lamang ito napasama.

Hindi nakatulong ang pagpapalit niya ng pangalan from WynWyn to Teresita dahil ‘Lotlot’ (read: lost, as in talo) siya nang gabing ‘yun. Mapalad na rin naman siya dahil naiuwi niya ang three special awards, ang Best in Talent, Best In National Costume at ang She’s So Jag awards.

Ang Miss Photogenic at Manila Bulletin Reader’s Choice ay napunta kay Caneille Faith Santos.

Ang iba pang special awards gaya ng Ms. Cream Silk ay napanalunan din ni Bb. Pilipinas-Universe Pia Wurtzbach.

Ibinoto ng kanyang co-candidates si Toni Alyessa Hipolito bilang Ms. Friendship at Ms. Philippine Airlines award naman ang ibinigay kay Kylie Versoza.

Nagsiupo bilang judges sina Vice Ganda, Kiefer Ravena, DOJ Secretary Leila de Lima, AFP General Gregorio Pio Catapang Jr., Cong. Leni Robredo, Mr. Go ng Robinson’s at iba pa.

Guest performers si Jay-R at si Jason Dy, ang The Voice of the Philippines Season 2 grand winner.