LOS ANGELES (AFP) – Patok ang live action remake ng animated-classic na Cinderella sa takilya sa North America, at nanguna sa mga tumabo ng kita nitong weekend.

Ang pelikula ng Disney, na tinatampukan ni Lily James bilang ang prinsesang si Ella at ni Cate Blanchett bilang ang malupit na madrasta, ay kumita ng $70 million.

Bahagi ng pang-akit ng pelikulang pinuri ng mga kritiko ang animated short na Frozen Fever na nasa unahan ng pelikula, ang limang-minutong add-on tungkol sa isa pang Disney princess sa smash-hit na Frozen.

Pumangalawa sa Cinderella ang action movie na Run the Night, na pinagbibidahan ni Liam Neeson, sa kinitang $11 million sa debut weekend nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pumangatlo sa mga kumita sa takilya nitong weekend ang British spy comedy na Kingsman: The Secret Service ($6.2 million), kasunod ang Focus ni Will Smith ($5.8 million), at Chappie ($5.8 million).

Ang top ten ay kinumpleto ng The Second Best Exotic Marigold Hotel nina Judi Dench, Maggie Smith at Richard Gere ($5.7 million), The SpongeBob Movie: Sponge Out of Water ($4.1 million), McFarland, USA ni Kevin Costner ($3.7 million), American Sniper ($2.9 million) at The Lazarus Effect ($2.82 million).