BEIJING (AP)— Naungusan ng China ang Germany upang maging world’s third biggest arms exporter, kahit na 5 porsiyentong merkado nito ay nananatiling maliit kumpara sa pinagsamang 58 porsiyentong exports ng US at Russia, ayon sa bagong pag-aaral ng SIPRI.

Ipinakita ng data ang paglago ng domestic arms industry ng China, na ngayon ay nagpoprodukto na ng fourth-generation fighter jets, navy frigates at iba’t ibang mura, simple at maasahang mas maliliit na armas na ginagamit sa mga labanan sa buong mundo.

Ang China ay nagsu-supply ng mga armas sa 35 bansa, na pinangungunahan ng Pakistan, Bangladesh at Myanmar, ayon sa SIPRI.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3