Robin, BB at Rommel

TRULILI kaya na tsugi na ang programang 2½ Daddies na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Rommel Padilla at BB Gandanghari sa TV5?

May nakausap kasi kaming taga-Public Affairs ng TV5 at nabanggit niya na anim na linggo pa lang umeere ang 2 ½ Daddies at tsugi na. Bukod dito ay nakausap din namin ang ilang staff na bumubuo ng programa na nalulungkot dahil mamamaalam na nga ang nasabing programa.

Tinanong namin ang manager ni Robin na si Ms. Betchay Vidanes, “Hindi pa tapos, sa’n na naman po nakuha ‘yan?” bungad na balik-tanong na sagot sa amin.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Binanggit namin na taga-Public Affairs ang source at nalulungkot nga ang mga staff.

“He, he, he ,he malungkot na lang sila, pero hindi totoo, 10 weeks airing and meron na kaming meeting sa Friday (Marso 20) for second season,” sabi ng manager ng aktor.

Kung may second season, bakit nalulungkot ang mga nakatsikahan naming staff? Hmmm, posible kayang magpapalit ng tao ang production team ng 2 ½ Daddies kaya walang alam na may ikalawang season ito?

Muli naming tinanong si Ms. Betchay kung magre-reformat ang nasabing programa na hindi alam ng mga staff pero hindi na niya kami sinagot. --Reggee Bonoan