Toni Gonzaga

TIYAK na mahahampas ni Toni (Gonzaga) ng bote si Alex sa pambubuking niya kung sino ang tumahi ng wedding gown niya, inunahan pa niya ate niya.”

Ito ang tumatawang sabi sa amin ng taong malapit sa pamilya Gonzaga.

Tawa naman kami nang tawa habang kakuwentuhan namin ang source dahil unti-unti nang naglalabasan ang importanteng detalye sa magiging kasal nina Toni at Direk Paul Soriano.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

Reception at principal sponsors na lang ang hinihintay namin dahil nasulat na naming si Vera Wang ang tatahi sa gown at sa Hunyo 12 ang petsa ng kasal at sa simbahan ng Taytay, Rizal ikakasal ang dalawa.

Nabanggit din sa amin na hindi pa nababasa ni Toni ang mga nasulat namin pero tiyak daw na maloloka ang bride-to-be ni Direk Paul na leading lady naman ni Coco Martin sa pelikulang You’re My Boss mula sa Star Cinema.

Isipin mo, Bossing DMB kung gaano kangarag si Toni, sa Hunyo na ang kasal, pero heto at kaliwa’t kanan pa ang trabaho ng TV host/actress at magiging busy pa sa promo ng pelikula nila ni Coco.

At balita namin ay may teleserye pang gagawin ang dalaga sa Hulyo, ano ‘yun, hindi sila magha-honeymoon ni Direk Paul?

Si Mommy Pinty Gonzaga ba ang dapat naming tanungin kung bakit niya nginangarag ang anak?