TAHASANG tinanggihan ni Sunshine Cruz ang alok na settlement ng kanyang dating asawang si Cesar Montano bilang kapalit ng kanyang pag-urong sa kasong isinampa niya laban dito.

Sunshine Cruz

Sabi ni Sunshine, desidido siyang isulong ang kaso laban sa dating mister.

May kinalaman diumano sa R.A. 9262 o Violence Against Women and their Children Act (VAWC) ang diumano’y ginawa ni Cesar sa harap ng kanilang tatlong anak na babaeng pawang menor de edad.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Kasabay ding pinasinungalingan ni Sunshine sa Quezon City Prosecutor’s Office last March 10 na pumayag siyang makipagkasundo sa kanyang estranged husband at ang kapalit nito ay ibibigay sa kanya ang hinihingi raw niyang conjugal property sa Antipolo.

Lalong ikinagalit ni Sunshine ang naturang balita.

“Sobrang ka-cheap-an ang isyung ‘yan. Para sabihin nila na dahil lang sa isang lupa sa Antipolo, eh, tapos na. Naman! Kaya kong pagtrabahuhan at bilhin ‘yun. Gusto niya magkapitbahay pa kami!” may hamong pahayag ni Sunshine.

Samantala, naghain na rin ng counter-affidavit si Cesar sa naturang kaso. Ayon sa aktor ay ginagamit lang daw ni Sunshine ang kanilang mga anak para makuha ang gusto niya.

Ganu’n! --Jimi Escala