Bineberipika na ng Department of Justice (DoJ) ang impormasyon na nakabalik na sa Pilipinas ang kontrobersiyal na anak ni Janet Lim Napoles na si Jeane Catherine Napoles.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, magsasagawa pa lang ang kagawaran ng kaukulang beripikasyon kung nasa bansa na nga si Jeane Catherine.

Una nang lumabas sa mga balita na namataan noong Marso 10 si Jeane Catherine habang kumakain sa isang five-star hotel sa Pasay, kasama ang kanyang ama at mga kapatid.

Tumanggi naman ang abogado ng mga Napoles na si Atty. Bruce Rivera na kumpirmahin ang nasabing impormasyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Una nang inirekomenda ng DoJ na sampahan ng kasong tax evasion si Jeane Catherine matapos makitaan ng probable cause sa reklamong inihain ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban dito.

Nabigo si Jeane Catherine na magsumite ng kanyang income tax return para sa taong 2011 at 2012 gayong nakabili umano siya ng mga ari-arian, kabilang na ang isang condominium unit sa Ritz Carlton sa California sa Amerika at isang property sa Bayambang, Pangasinan.