MAY laban si Nonito Donaire (33-3, 21 ang panalo by knockout) sa former WBO Latino bantamweight champion ng Brazil na William Prado (22-4, 15 ang panalo by knockout) sa Pinoy Pride 30: D-Day na gaganapin sa Araneta Coliseum sa March 28, Sabado, 6:00 PM, na ihahandog ng ABS-CBN Sports at ALA Promotions.

Inaabangan ng mga tagahanga kung makakabawi si Donaire sa kanyang knockout loss laban kay Nicolas Walters ng Jamaica noong October 2014 at kung taglay pa rin niya ang kakaibang lakas na pawang knockout ang ipinatitikim sa mga kalaban.

Back-to-back main event sila ng WBO light flyweight champion na si Donnie “Ahas” Nietes (34-1-4, 20 ang panalo by knockout) na makakasagupa naman si Gilberto “Parrita” Parra ng Mexico (19-2, 17 ang panalo by knockout).

Kuwento rin ng karaniwang Juan de la Cruz ang buhay ni Nonito Donaire. Dehado pero palaban, hindi sumusuko, underdog na gustung-gustong suportahan ng lahat. Pero hindi pa tapos ang kuwento dahil sa Pinoy Pride 30: D-Day, magbabalik si Donaire sa ibabaw ng ring para ipagtanggol ang kanyang karangalan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinanganak at lumaki si Nonito sa Talibon, Bohol, kasama ang kanyang tatlo pang kapatid. Sakitin at tampulan ng tukso ang batang Nonito habang nag-aaral ng elementary sa paaralan na siya ring pinag-aral ni Manny Pacquiao. Dahil hitsurang patpatin, walang nag-akala na magiging kampeon si Nonito hindi lamang sa isa kundi limang dibisyon.

Dehadong-dehado ang Filipino Flash nang harapin ang Armenian na si Vic Darchinyan, ang kampeon na umabuso sa kanyang Kuya Glenn sa ibabaw ng ring. Ito ang naging tuntungan niya sa pagsikat.

Hindi naisip ng mga kamag-anak at kaibigan na ang batang nangarap at lumipat ng Amerika para samahan ang ama ay mangongolekta ng mga medalya at tropeo at magiging isa sa mga kinatatakutang amateur boxers.

Hindi rin nila akalain na magagawa niyang manalo ng sunud-sunod sa loob ng 12 na taon. Ngunit habang sunud-sunod ang tagumpay, wala ring nag-akala na magkakatikim siya ng dalawang talo na sadyang ikinagulat ng lahat at halos magkasunod pa.

Panibagong simula uli ito ng “The Filipino Flash.” At ang bagong pagsubok sa kanyang makulay na karera ay gaganapin sa harap ng kanyang mga kababayan.

Lalaban din ang reigning IBF Inter-Continental Super Bantamweight Champion na si “Prince” Albert Pagara (22-0, 15 ang panalo knockout), katunggali ang former WBO NABO super bantamweight champion na si Rodolfo “Fofo” Hernandez (26-5, 24 ang panalo by knockout).