Huwag kayong magugulat kung makakakita kayo ng mga traffic constable ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakasuot ng short pants ala Boy Scout simula ngayong Lunes.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, malaking tulong sa mga MMDA traffic aide na magsuot ng short pants sa halip na mahabang pantalon upang makaiwas ang mga ito sa heat stroke ngayong tag-init.

Sisimulan ding ipatupad ng ahensiya ang “heat stroke break” para sa mga traffic constable simula 1:30 ng hapon hanggang 2:30 ng hapon, na itinuturing na pinakamainit sa maghapon.

Sa loob ng 30-minuto, sinabi ni Tolentino na papayagan ang mga traffic constable na lisanin ang kanilang puwesto upang makapagpahinga.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Aniya, ang heat stroke break ay ipatutupad hanggang Mayo 31.