SINAIT, Ilocos Sur – Isang lindol na may lakas na 4.6 magnitude ang yumanig sa ilang bahagi ng La Union at Benguet noong Sabado ng gabi ngunit hindi naman nagdulot ng pinsala, ayon sa lokal na tanggapan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon kay Porferio De Peralta, researcher ng Phivolcs-Ilocos Sur, naramdaman ang lindol dakong 10:37 ng gabi nitong Sabado at ang epicenter ay nasa 48 kilometro, hilaga-kanluran ng Luna, La Union, at may lalim na 64 kilometro.

Naramdaman ang intensity 3 sa San Fernando City, La Union at sa Baguio City.

Gayunman, walang inasahan na aftershock ang Phivolcs. - Freddie G. Lazaro

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso