WASHINGTON (AP) – Gumawa si John Wall ng 31 puntos at 12 assists, umiskor si Paul Pierce ng 17 puntos at nagawa ng Washington Wizards na makabalik mula sa 21 puntos na pagkakaiwan sa third quarter upang talunin ang Sacramento Kings, 113-97, kahapon.

‘’In the first half there wasn’t really an effort, and they basically did whatever they wanted and got whatever they wanted,’’ sabi ni Wall. ‘’We had to come back out and compete in the second half.’’

Ang Wizards ay may 61 porsiyento mula field sa second half, at nagtapos na 13-of-26 mula sa 3-point range.

Umiskor ang reserve na sina Rasual Butler at Bradley Beal ng tig-14 puntos para sa Wizards, na nanalo ng tatlong sunod at lima sa kanilang huling pitong laro.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Ang 3- pointer ni Ramon Sessions ang nagbigay sa Washington ng kanilang unang tikim ng kalamangan, 89-88, may 10:11 natitira. Nagtala si Butler ng limang sunod upang iangat ang bilang sa 94-88 at ang sumunod na 3-pointer ni Wall ang tumapos sa kanilang 16-0 run.

Nagtala si DeMarcus Cousings ng 30 puntos para sa Kings bago nag-foul out may 5:34 pang nalalabi at nagkasya na lamang na panoorin si Wall, ang kanyang kakampi sa Kentucky, na maipanalo ang laro.

‘’We want to beat one another, we want to be able to go back later on in the summer and talk trash about it,’’ ani Cousins. ‘’He had an incredible performance. He came out and led his team in the second half.’’

Ang Kings, naglaro sa kanilang ikalawang back-to-back, ay nagtapos na 2-6 sa kanilang eight-game road trip.

‘’Maybe we got a little tired,’’ ayon kay Kings coach George Karl. ‘’Our defense was a step slow, a second behind, whatever you want to say, but we were very ordinary at both ends of the court probably.’’

Kapwa naglaro ang dalawang koponan na wala ang kani-kanilang starting forwards. Si Rudy Gay (left patellar tendon strain) ay naupo para sa Sacramento, habang si Nene ng Washington (personal reasons) ay wala sa ikalawang sunod na laro.

Si Wall, na nagbuhos ng 15 puntos sa third quarter, at Pierce (12) ang nagpaapoy sa kanilang 19-2 run na naglapit sa kanila sa 79-77 sa huling 2:45 ng quarter. Ang 3-pointer ni Wall ang tumapyas sa abante ng Kings sa 85-84 matapos ang tatlong yugto.

Resulta ng ibang laro:

Boston 93, Indiana 89

Brooklyn 94, Philadelphia 87

Memphis 96, Milwaukee 83

Utah 88, Detroit 85

Golden State 125, New York 94