BINANGGIT sa amin ni Kathryn Bernardo na isang simpleng selebrasyon lang ang magaganap para sa 19th birthday niya sa March 26.

Kathryn Bernardo At gusto raw niyang makasama ang malalapit na kaibigan sa kanyang kaarawan.

“Ang hinihingi ko lang naman sa mga kaibigan ko, eh, ibigay nila sa akin ‘yung dalawang araw na hinihingi ko. Kumbaga, ‘yung short vacation na ‘yun bago ako mag-back to work,” sabi ni Kat.

Balak niyang mag-beach kasama ang mga kaibigan niya. May ilang aktibidades din daw silang gagawin na magsisilbing bonding niya sa mga ito na matagal na niyang hindi nakakasama.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Walang espesyal na regalong hinihintay si Kathryn bukod nga sa dalawang araw na hinihingi niya sa mga kaibigan niya. Sobra-sobrang regalo na raw iyon sa kanya.

“Parang siguro ngayon talaga ay ‘yung bakasyon na two days, ‘yun ang gift ko sa sarili ko. Kasi ‘di madaling pagsama-samahin ang schedule ng mga friends mo dahil may trabaho din sila. Pinayagan naman ako ni Mama so na-excite naman ako,” banggit pa rin ng sikat na young actress.

Pinaghahandaan nang husto ni Kathryn ang papel niya bilang si Yna sa remake ng Pangako Sa ‘Yo na dating ginampanan ni Kristine Hermosa.

“Ngayon pinagku-cooking (lesson) nila ako for the role. ‘Tapos sina Inang (Direk Olive Lamasan), sinabi nila na magkakaroon kami ng isang workshop session at sasabihin nila kung ano’ng character namin para alam namin ang character by heart. Sina Ate Jodi (Sta. Maria) ay nag-start na silang mag-taping, actually,” sey pa ng young star.

Inamin ni Kathryn na sobra ang nakaramdam niyang pressure sa seryeng ito. Dahil sobrang matagumpay ng orihinal na PSY, hindi maalis-alis ang sobrang kaba nilang mga artista.

“Excited kami at kinakabahan at the same time kung paano ang magiging reaction ng mga tao rito. Pero gagawin namin lahat and, of course, nandiyan naman ‘yung directors namin para tulungan kami sa mga characters. Iba naman ‘yung mapapanood nila rito,” banggit pa ni Kat. –Jimi Escala