Ni Jonathan Hicap
Nagpasalamat si Cavite Vice Governor Jolo Revilla para sa kanyang “ikalawang buhay” dahil sa pagbuti ng kalagayan niya matapos mabaril ang sarili sa kanilang bahay sa Alabang, Muntinlupa City noong Pebrero 28.
Ayon kay Revilla, posibleng makabalik na siya sa trabaho sa susunod na isa hanggang dalawang buwan.
“I am happy to inform you that I am now on the road towards my fullest recovery and hopefully, I can be with you physically in 30-60 days, at the latest,” pahayag ng bise gobernador sa kanyang Facebook account. “You are all my source of strength and inspiration to continue serving our people.”
Nagdiwang ng kanyang ika-27 kaarawan si Revilla kahapon.
“As I celebrate my 27th birthday, I share it with everyone, along with all the blessings our Lord God Father Almighty has granted me on this special day of my life,” aniya. “I thank Him for having given me a second lease on life and for entrusting me with whatever mission He has for me here on earth.”
Pinasalamatan din ni Revilla ang kanyang pamilya, mga kaanak, mga kaibigan, fans at mga mamamayang Cavite na nag-alay ng dasal para sa kanyang agarang paggaling.
Matatandaan na isinugod si Jolo sa Asian Hospital sa Alabang noong Pebrero 28 matapos aksidenteng mabaril ang kanyang sarili habang nililinis umano ang kanyang .40 caliber Glock pistol.
Nagtamo ang anak ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ng tama ng bala sa dibdib at ngayo’y nagpapagaling na sa kanilang bahay sa Ayala Alabang Village.