PROVINCIAL CAPITOL, Isabela - Hindi lamang si Vice Gov. Antonio “Tonypet” Albano, pinuno ng Sangguniang Panglalawigan, ang nagtanggol kay Provincial Information Officer Jessie James Geronimo kundi maging si Isabela Gov. Faustino “Bojie” Dy III laban sa akusasyon na pineke umano nito ang resulta ng Civil Service Examination na nakakuha ito ng pinakamataas na grado na 92.6 noong 1995.

Ayon sa Civil Service, isang babae umano ang kumuha ng exam sa katauhan ni Geronimo subalit nanindigan ang huli na siya mismo ang kumuha ng naturang pagsusulit ng Civil Service Commission (CSC), at hinamon pa niya ang komisyon na ilantad ang sinasabing babae at patunayan ang nabanggit na bintang laban sa kanya.

“Hindi ako naniniwala na ang isang gaya ni Jessie James Geronimo na matalino at valedictorian ay gagawa ng ganyang bagay, kaya bago natin siya siraan ay palawigin pa natin ang ating imbestigasyon upang sa ganoon ay malaman natin ang buong katotohanan,” ani Vice Gov. Albano.

Sinabi naman ni Dy na kasalukuyang nakaapela ang kaso at bago magbigay ng anumang espekulasyon ang sinuman ay makabubuting hintayin na lang ang desisyon ng CSC central office.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa kasalukuyan, mahusay at maayos naman umanong ginagampanan ni Geronimo ang kanyang katungkulan bilang provincial information officer ng Isabela.