Marso 16, 1907 nang makumpleto ang paggawa sa British battlecruiser na HMS Invincible sa Glasgow, United Kingdom. Kinilala bilang unang battlecruiser sa mundo, binuo ito upang maging mabilis ang pagtakbo ng cruiser at magkaroon ng panangga sa bakbakan.
Binuo ito ni Sir W.G. Armstrong, pinasadahan noong Abril 2, 1906 at inilunsad noong Abril 13, 1907.
Ang HMS Invincible ay naging aktibong unit ng British Battlecruiser Force.
Ngunit noong Mayo 31, 1916, lumubog ito sa kasagsagan ng Battle of Jutland, ang pinakamalaking digmaan sa karagatan noong World War I. Pinasabugan ang barko ng naglalakihang bomba. Sumabog ang isang magazine at nahati ang barko. Umabot sa 1,026 opisyal at tripulante ang namatay, kabilang si Rear Admiral Horace Hood.