INIHAYAG ni Sharon Cuneta sa kanyang homecoming presscon sa ABS-CBN na open siyang makipagtambal sa dati niyang leading men at ex-boyfriend na sina Richard Gomez, Robin Padilla at Gabby Concepcion.

“Kung ‘di man matuloy ang project namin, alam n’yo na na hindi ako ang tumanggi,” words-to-that-effect na lahad ng megastar.

Matindi ang clamor ng fans sa tambalang Sharon-Gabby.

Kaya hiningan ng pahayag si Gabby sa thanksgiving party ng pelikulang Crazy Beautiful You.

National

'Pinakamataas mula 2008!' Self-rated poverty, tumaas sa 58% nitong Q2 ng 2024

“Actually, naririnig ko na ‘yun, eh. I’m looking forward kung meron kaming project,” pahayag ng veteran actor.

Deep inside, gusto rin daw ni Gabby na muling makasama onscreen ng ex-wife. At hindi rin niya puwedeng tanggihan kung sakaling may offer na pagsamahin sila sa isang proyekto.

“Hindi p’wedeng tanggihan kasi matagal ko nang gustong na sana makagawa kami ng project ulit dahil ‘yung mga fans namin, ang daming nagsasabi na sana gumawa na kami ng project. Kaya nga ako umuwi galing America,” napangiti niyang sabi.

May kani-kaniyang pamilya na sina Sharon at Gabby at ang nakaraan ay bahagi na lamang ng kanilang buhay. Bilang artista, isinasantabi nilang dalawa ang nakaraan.

Sa pahayag nila, wala nang balakid sa kanilang pagsasama sa screen.

“Maybe we are waiting really for the right time,” at ito na nga raw ang tamang panahon. “Marami talagang nagre-request din. Maraming dumadalaw pa rin sa bahay, nagtatanong kung kailan daw sila makakapanood ulit ng movie namin. I’m open to anything,” sabi ng napakaguwapo pa ring aktor.