Inihahatid ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang “World Water Day 2015 : Let’s Run for Water and Sustainable Development” na inorganisa ng Runners Republiq at RG Events sa darating na Marso 22, 2015 sa CCP Complex, Pasay City.
Ang patakbo ay bahagi ng isang linggong selebrasyon mula Marso 16-22 ng World Water Day sa pakikiisa ng ilang mga ahensiya ng gobyerno sa pamumuno ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga pribadong organisasyon kung saan inaasahang manggagaling ang may 4000 runners na lalahok.
Layunin ng nasabing patakbo na bigyang inspirasyon ang mga Pinoy na gawin ang kanilang bahagi para sa pagkakaroon ng mas malinis na tubig at responsibilidad sa pangangalaga ng kapaliguran.
Hangad din nitong makapagsimula ng pagpapakalat ng kaalaman sa kahalagahan ng tubig upang makamit ang lahat ng ating pangangailangan upang umunlad.
Kabilang sa mga kategoryang paglalabanan ay ang 1K at 3K para sa fun runners, 5K, 10K at 21K para sa mga competitive runners.
Magkakaroon din ng symbolic 1K fun walk, kung saan ang mga kalahok ay magdadala ng mga saplings sa kabuuan ng patakbo.
Ang mga nasabing saplings ay itatanim sa La Mesa Water Treatment Plant Compound,ang pasilidad na nagkakaloob ng tubig na inumin sa may 8.9 milyong katao sa araw-araw.
Para sa mga kaukulang detalye tungkol sa run at iba pang Maynilad-ledpara WWD events, maari niyong bisitahin ang mga sumusunod na accounts: FB/MayniladWaterWarrior at FB/runnersrepubliq.