Patay ang pamangkin ng may-ari ng isang dalawang-palapag na bahay na hinihinalang sinadyang sunugin sa Las Piñas City kahapon ng umaga.

Sa mopping operation ng Las Piñas Fire Department ay natagpuan sa ikalawang palapag, sa pinto ng kuwarto, ang sunog na bangkay ni Marlon Balse, 32, binata.

Sa ulat, dakong 9:15 ng umaga nang magsimula ang sunog sa loob ng bahay ng isang Imelda Calpe sa BF Resort Village, Barangay Talon Dos ng nasabing lungsod.

Mabilis na kumalat ang apoy sa loob ng bahay na umabot sa ikalawang alarma ang sunog at naapula ito makalipas ang 30 minuto.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

Sa pahayag sa pulisya ng kaanak ng biktima, Sabado ng gabi nang nagsimulang magkulong sa kuwarto si Balse matapos umanong gumamit ng ilegal na droga.

Lumitaw sa imbestigasyon na sinadya ng biktima na harangan ng mga upuan, gamit at iba pang kasangkapan ang pintuan bago ang sunog.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.