Mga laro ngayon

(JCSGO Gym):

1pm -- Jumbo Plastic vs. Tanduay Light

3pm -- Cebuana Lhuillier vs. Café France

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Nakatakdang matunghayan ngayon ang malaking pagbabago sa koponan ng Cebuana Lhuillier para sa target nitong makamit ang unang titulo sa liga sa pagsisimula ng kanilang kampanya para sa 2015 PBA d-League Foundation Cup sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Isa sa mga orihinal na miyembro ng liga na nagsimula noong 2011, itinalaga ngayon ang Gems bilang isa sa mga `teams to watch’ at matinding title contender matapos nilang makuha ang serbisyo ng first pick sa draft noong nakaraang taon at Fil-Tongan na si Moala Tautuaa na unang naglaro sa Cagayan Valley.

Matapos mapaso ang kanyang isang conference na kontrata sa Rising Suns, nagdesisyon ang 6-foot-9 na si Tautuaa na hindi na mag-renew ng kontrata sa Cagayan at lumipat ng Cebuana Lhuillier.

Si Tautuaa ang siyang papalit sa posisyong naiwan ni San Sebastian Center Bradwyun Guinto na napunta sa bagong koponang Liver Marin na ka-tie-up ng San Sebastian College.

Ayon kay coach Boysie Zamar, inaasahan nilang malaki ang maitutulong ni Tautuaa para sa kanilang kampanya ngayong season ending conference para tapusin na ang matagal nang paghahangad na makamit ang unang championship.

Ngunit agad namang masusubok si Tautuaa at kung gaano ito kabilis na nakapag-adjust sa sistema ng star-studded ding Gems line-up na pinangungunahan ng mga collegiate standouts na gaya nina Kevin Ferrer, Norbert Torres, Almond Vosotros, Paul Zamar, Mar Villahermosa, Allan Mangahas at John Lopez.

Ito’y sa kanilang pagsalang kontra isa pa sa mga paboritong koponan na Café France na gaya nila’y pioneer din sa liga na pinangungunahan ng mga reliable na sina Maverick Ahanmisi, Samboy de leon, Rodrigue Ebondo, Mon Abundom Joseph Sedurifa, Yutien Andrada, Jam Cortez, Alfred Batino at Gelo Alolino.

Mauuna rito, matinding bakbakan din ang inaasahan sa pagitan ng Jumbo Plastic Lioneleum at Tanduay Light na kapwa maghahangad na umangat sa kanilang naging pagtatapos sa nakaraang Aspirants Cup.

Naunsiyaming umabot ng Final Four kasunod ng naging kabiguan sa Gems sa quarters, magsisikap na bumawi ngayon ng Ginats ni coach Steven Tiu.

Sa kabilang dako, kinapos namang makausad sa quarterfinals, tiyak ding magtatangka ang tropa ni coach Lawrence Chongson na maagang makapagsalansan ng tagumpay na magsisilbing pundasyon sa kanilang misyon na lumusot ng playoffs hanggang semifinals.