Noong Setyembre 20, 1519, si Ferdinand Magellan, na isang Portuguese explorer na nagtatrabaho para sa Spain, ay pinamunuan ang unang ekspedisyon sa layuning ikutin ang buong daigdig para makahanap ng mahahalagang pampalasa, dinala ang kanyang 241 tauhan, na lulan ng limang barko – ang Trinidad, San Antonio, Concepcion, Victoria, at Santiago. Ang pakikipagkalakan sa mga pampalasa noong mga panahong iyon ay naghahatid ng napakalaking salapi sa mga bansa sa Europe.

May dalawang record ng kanyang paglalakbay. Ang una ay isang journal ng isang pasaherong Italian na si Antonio Pigafetta, at ang pangalawa ay isang serye ng mga panayam ni Maximilianus ng Transylvania sa mga survivor. Isinagawa ang ekspedisyon ni Magellan dahil naghahanap ang mga Kastila ng mga alternatibong ruta patungong silangan upang tumuklas ng mga lupain, pampalasa, at ginto; at palawakin ang teritoryo ng Spain at ipalaganap ang Kristiyanidad.

Mahaba at mahirap ang paglalakbay ni Magellan, at dalawang barko lamang ang nananaig. Natuklasan niya ang isang lagusan (na kalaunang ipinangalan sa kanya bilang Strait of Magellan) sa dulong timog ng South America at naging unang European na tumawid ng Pacific Ocean. Dumating ang kanyang nalalabing mga barko sa isla ng Homonhon sa Samar noong Marso 16, 1521, pinangalanan iyon na Isla San Lazaro, nagtirik ng krus, at inangkin para sa Spain. Kalaunan, pinangalanan ang mga isla na Filipinas bilang parangal kay King Philip ng Spain. Idinaos ang unang misang Katoliko sa isla ng Limasawa sa Leyte noong Marso 31, 1521, sa pamamagitan ng prayleng Kastila na si Padre Pedro Valderama. Kabilang sa mga dumalo sina Rajah Siagu at Rajah Kolambu na nakipag-blood compact kay Magellan. Bininyagan ni Padre Valderama ang dalawang rajah at 400 katutubo noong Abril 14, 1521, sa Cebu kung saan nagtayo si Magellan ng malaking krus – ang tanyag na “Magellan’s Cross” – at inihandog ang ilang imahe ng Santo Niño sa mga bagong mananampalataya bilang simbolo ng kapayapaan.

Napatay si Magellan sa pamamagitan ng mga panâ na may lason noong Abril 27, 1521 sa Battle of Mactan ng mga katutubo sa isla sa pangunguna ng lokal na kapitan na si Lapu-Lapu na tumututol na kilalanin ang awtoridad ng Spain. Ang digmaang ito ay itinuturing unang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga banyagang mananakop at idinambana si Lapu-Lapu bilang bayani.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Iniuugnay kay Magellan, bunga ng unang ekspedisyon nito, ang katunayan na bilog ang mundo sa pamamagitan ng paglalayag mula silangan hanggang kanluran. Pagkatapos niya, lima pang ekspedisyong Kastila ang isinagawa sa pagitan ng 1525 at 1542, na nagpasimula sa kolonisasyon ng Spain sa Pilipinas sa sumunod na tatlong siglo.

Isinilang sa Oporto, Portugal, noong 1480 na ang mga magulang ay miyembro ng marangal na angkan sa Portugal, namuhay si Magellan nang maharlika sa murang edad. Sa Lisbon, natuto siyang gumawa ng mapa, ng astronomy, at ng celestial navigation (paglalayag ng barko base sa mga posisyon ng mga bituin). Umanib siya sa Portuguese fleet na naglayag noong 1505 patungong East Africa, at nagpunta sa Malaca (Malaysia) at Moluccas (Indonesia). Noong 1513, nasugatan si Magellan sa isang digmaan sa North America. Noong 1517, nagpunta siya s Seville upang magtrabaho para sa Spanish royalty.