BONGGA ang 12th birthday celebration ng child actress na si Andrea Brillantes sa ABS-CBN McDonald’s noong Huwebes, Marso 12.

Nagulat ang batang aktres dahil sinorpresa siya ng kanyang managers (Star Magic and Becky Aguila) ng party kasama ang kuwarentang bata mula sa Gawad Kalinga para makisaya sa kaarawan niya.

Pagdating ni Andrea sa venue ay natuwa na siya sa mga bata at kaagad na nagpa-picture-taking.

Laking tuwa ng mga taga-Gawad Kalinga nang makita si Andrea dahil wala raw silang ideya kung sinong artista ang may birthday party kaya nang pumasok sa venue ang batang aktres ay sobrang tuwa ng mga bagets na sumubaybay pala ng seryeng Hawak Kamay at Annaliza.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Ang bongga ng party dahil namigay ng Otto shoes, Polaroid headset, mga cake naman ang bigay ng GAOC, Rejuva, Vans at Affcionado perfume para sa Gawad Kalinga kids.

Nakakatuwa nga kasi isinuot na agad ng mga bata ang Otto shoes na bigay sa kanila at talagang naiiyak pa sila sa kasiyahan.

Ikalawang taon nang kapag kaarawan ni Andrea ay isini-share niya ang blessings na natatanggap niya sa mga kapuspalad na batang kaedad niya.

Isa sa mga tanong ng mga bagets kung ano ang next project ni Andrea, “Meron naman po, pero hindi pa puwedeng sabihin,” say ng dalagita.

Dumalo sa party ni Andrea si Valerie Concepcion na nakakagulat ang sobrang kapayatan at ang anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz kasama ang kanyang lolang si Lydia Mercado.

Ang regalo na gustong matanggap ni Andrea mula sa kanyang Tatay Zanjoe Marudo at Tatay Piolo Pascual ay, “Sapatos po, alam na po nila kung anong sapatos ang gusto ko.” --Reggee Bonoan