TACLOBAN CITY, Leyte – Inutusan ng Office of the President si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Winston M. Ginez na aksiyunan ang talamak na mga sasakyang kolorum sa Eastern Visayas, partikular sa Leyte at Samar.

Lumiham si Presidential Action Center Staff Officer VI Lawyer Joselyn Nolasco-Santiago kay Ginez upang aksiyunan ng huli ang pagdami ng mga pumapasadang kolorum sa Region 8.

Mismong ang Office of the President ang nagbigay-alam kay Ginez sa ilegal na pamamasada ng maraming bus na biyaheng Manila-Tacloban City at iba pang ruta sa Leyte at Samar, bukod pa sa pag-o-operate ng maraming pampasaherong van sa Tacloban City at sa iba pang bahagi ng rehiyon.

Hiniling ang pag-aksiyon ng hepe ng LTFRB makaraang dumagsa sa mga lokal na media ang reklamo ng mga residente kung bakit patuloy na nakapamamasada ang mga kolorum na bus at nagsasakay ng mga pasahero sa Maynila patungong Tacloban sa kabila ng maigting na parusang ipinatutupad ng LTFRB at ng Land Transportation Office (LTO) sa mga sasakyang kolorum. - Nestor L. Abrematea

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists