Ai Ai delas Alas

ANG Queen of All Media na si Kris Aquino raw ang ikinatwiran ni Ai Ai delas Alas kung bakit tuluyan na niyang iiwanan ang ABS-CBN.

Ito ang kinumpirma sa amin ng isang kaibigang malapit kay Ai Ai.

“Ayaw na niyang magtrabaho do’n hangga’t nando’n si Kris,” sabi ng source namin na ayaw magpabanggit ng pangalan.

National

Hindi dadalo: VP Sara, 'di rin papanoorin SONA ni PBBM sa TV, gadgets

Kahit nagkaayos na sina Kris at Ai Ai nang ikasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay hindi pa rin naman daw tuluyang naibalik ang friendship ng dalawa. Kaysa kung saan pa raw mauwi ang isyu sa kanilang dalawa, mas pinili na ni Ai Ai na umalis sa Kapamilya Network.

Aminado naman daw kasi si Ai Ai na pagdating sa Dos ay walang maaaring pumalit sa pagiging reyna ni Kris at kahit ano raw ang gawin niya ay hindi siya mabibigyan ng proyektong kasing gagaganda ng ginagawa ng presidential sister.

But in fairness, tikom ang bibig ni Ai Ai hinggil sa isyu at pati na sa balitang paglipat niya sa ibang istasyon ay wala pa ring kumpirmasyon na galing sa komedyana. Kahit na kalat na kalat na ang paglipat niya sa GMA-7, ayaw pa ring magsalita ni Ai Ai.

Samantala, may production number sanang gagawin si Ai Ai delas Alas sa katatapos na awards night ng Star Awards for Movies. Pero may nag- advice daw kay Ai Ai na huwag na itong gawin dahil tiyak na magkaroon ng problema ang Airtime Marketing at ma-edit out lang ang number ng aktres.

Kinumpirma naman ng isang source namin sa ABS-CBN na out na si Ai Ai sa Kapamilya Network.