Hindi inakala ng isang 45-anyos na babae na magiging mitsa ng kanyang kamatayan ang tawagin ang kanyang nakababatang kapatid na “supót”.

Ayon sa pulisya, patay na nang dumating sa ospital ang biktimang si Bernadeth Nakpil, matapos saksakin sa katawan ng tatlong beses ng kanyang 44-anyos na kapatid na si Bienvenido Nakpil noong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni SPO1 Charles Duran, officer-on-case, na naganap ang insidente dakong 8:00 noong Huwebes ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima sa Del Rosario St., Gagalangin, Tondo.

Habang naglalakad umano si Bienvenido ay sinigawan ito ng kanyang kapatid na “Hoy, supót!” kung saan nagtawanan ang kanilang kapitbahay nang marinig ang pangungutya.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

Dahil sa kahihiyan, tumakbo si Bienvenido sa loob ng kanilang bahay, kumuha ng isang patalim bago sinugod at pinagsasaksak si Bernadeth.

Kasalukuyang nakakulong si Bienvenido sa Manila Police District Homicide Section bagamat todo ang pagsisisi sa kanyang nagawa sa sariling kapatid. - Rachel Joyce E. Burce