INDIAN WELLS, Calif. (AP)- Binigo ng madalas na magkamali na si Serena Williams si Monica Niculescu, 7-5, 7-5, sa unang match ng Indian Wells, matapos ang pagkawala sa loob ng 14 taon kung saan ay masaya siyang sinalubong ng fans kumpara sa mga kantiyaw na kanyang nakamit ng teenager pa siya na nagudyok sa kanya upang ‘di na sumali sa torneo.

Naghabol si Williams mula sa 5-3 deficit sa unang set ngunit nakarekober matapos ang tatlong kalamangan sa second set, napagwagian ang kanyang ikaapat na match point sa kanyang unang torneo simula nang mapasakamay ang kanyang ika-19 Grand Slam title sa Australian Open noong Enero.

Nagtala si Williams ng 48 unforced errors at 12 aces sa isang napakabagsik na performance. Isinara niya ang laro sa loob ng 2 oras nang sumadlak sa net ang backhand volley ni Niculescu. Matapos ang mabilisang kamayan, kumaway si Williams sa crowd, subalit walang masyadong naghiyawan at tumalon na madalas niyang nakikita sa tuwing siya ay nananalo.

‘’It feels great; it’s overwhelming walking out here. The cheering was really a wonderful feeling,’’ pahayag ni Williams sa on-court interview. ‘’It’s been wonderful coming back and stepping out on the court and creating new memories.’’

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Umatras ang world’s top-ranked women’s player mula sa BNP Paribas Open simula nang magtagumpay noong 2001 kung saan ay 19-anyos pa lamang siya. Tumanggap siya ng pangangantiyaw sa fans nang umayaw sa semifinal ang kapatid nito na si Venus na makakaharap sana niya sanhi ng injury, may 20 minutong nalalabi bago ang laro.

Lumakad si Williams sa korte na suot ang headphones, at pagkatapos ay itinaas ang kanyang kanang kamay na tanda ng kanyang pasasalamat nang ipakilala na ang kanyang pangalan.

‘’We love you, Serena!’’ sigaw ng isang lalaking fan nang umpisahan na ang coin toss sa tabi ng net. Nasa lugar noon si billionaire Larry Ellison, nagmamay-ari ng torneo, kung saan ay kinalinga nito si Williams habang nagjojogging sa baseline malapit sa kanyang upuan para sa warmup. Hindi kalaunan ay sinamahan siya nina John McEnroe at billionaire Bill Gates.

Nakapaglaro lamang si Williams ng isang Fed Cup match simula nang manalo sa Australia at dito na nasilayan ang kinalawang niyang laro. Sa kanyang ikatlong match point, tumama sa net ang kanyang backhand return mula sa 79-mph serve ni Niculescu. Nagkaroon ito ng dalawang match points sa serve ni Niculescu sa ika-10 laro, kapwa nakamit ang unforced errors, kasama na ang backhand.