VATICAN CITY (AP) – Ipinagdiwang ni Pope Francis noong Biyernes ang ikalawang anibersaryo ng kanyang sorpresang pagkakahalal bilang leader ng Simbahang Katoliko sa pagpapahayag na hindi siya magtatagal sa papacy—at sa pananawagan para sa isang espesyal na Jubilee Year na tututok sa kanyang prioridad habang nasa puwesto pa siya: awa.

“I have the sensation that my pontificate will be brief: Four or five years,” sinabi ni Pope Francis sa panayam sa kanya ng Mexican broadcaster na Televisa. “I don’t know. Or two or three. Well, two have already passed!”

Una nang sinabi ng Papa na inaasahan niyang mananatili lang siyang Papa sa loob ng dalawa hanggang tatlong taon, at bagamat nilinaw na hindi naman niya kinamumuhian ang maging Papa, sinabi ni Pope Francis na kinasasabikan niya ang kanyang kalayaan—at ang bumili at kumain ng pizza nang walang abala.
National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!