(REUTERS)- Sumang-ayon sina Floyd Mayweather Jr. at Manny Pacquiao na makibahagi sa U.S. Anti-Doping Agency (USADA) Olympic-style testing program bago ang kanilang megabout sa Mayo 2 sa Las Vegas, sinabi ng USADA kahapon.
Ang drug testing ay may mahaba nang ‘major stumbling block’ upang dalhin ang dalawa sa pinakamalaking drawcards sa kanilang henerasyon, subalit kinumpirma ng USADA na kapwa kontento ang dalawang fighters sa pamantayan na isinagawa ng World Anti-Doping Code at ng World Anti-Doping Agency (WADA) banned-substance list.
“It’s a strong statement of the importance of clean and safe competition to have these two fighters voluntarily agree to have a WADA level anti-doping program implemented for this fight,” pahayag ni USADA CEO Travis Tygart sa isang statement. “We commend them for their stand for clean sport and the message it sends to all those who want to compete clean at the highest levels of all sport.”
Ang welterweight showdown sa pagitan ni undefeated Mayweather (47-0) at Pacquiao (57-5-2) ay pinagtuunan na bilang pinaka-lucrative sa kasaysayan ng boxing ngunit inabot pa munba ito ng limang taon sanhi ng mga demand ng Amerikano, partikular na ang sumailalim sa drug testing si Pacquiao.
Inaasahan na ang paghaharap ng five-division world champion na si Mayweather at Pacquiao sa 2010 subalit kumulapso ang kanyang demand para sa random drug testing.
Ipinagdiinan ni Mayweather ang hinggil sa illegal methods nang tanungin kung bakit si Pacquiao ay nagwagi ng world titles sa ‘di matatawarang walong weight classes.
Ang defense-minded Mayweather at ang agresibong si Pacquiao ay nakatanggap na ng edukasyon sa USADA program at nakapag-enrol sa USADA’s registered testing pool sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga lugar upang sa ganoon ay agad silang matunton para sa out-of-competition testing bago ang laban.
Isasagawa rin ng USADA ang in-competition testing makaraan ang laban.
Kapwa pumayag ang fighters para sa blood at urine testing.
Ang makokolektang samples ng USADA ay ipadadala sa WADA-accredited laboratory para sa analysis, kasama na ang pagsusuri sa human growth hormone (HGH) at erythropoietin (EPO).
Nagsanib-puwersa ang USADA at ang Nevada State Athletic Commission (NSAC) upang pagtulungan ang mga tamang impormasyon sa programa, kasama na ang lahat ng test results.