Iimbestigahan ng Kamara ang umano’y overpricing o labis na singil sa airline tickets sa bansa.

Sa House Resolution 1960, sinabi ni Rep. Ronald V. Singson (1st District, Ilocos Sur) na dapat imbestigahan ang report tungkol sa overpricing upang malaman kung ang pagtataas sa singil sa ticket ng eroplano ay makatuwiran.

“An explanation must be given as regards to these massively overpriced airline tickets by the airline companies in order to prevent an injustice to our people who wish to get their money’s worth,” ani Singson.

Sinabi ni Singson na dahil sa overpricing ng ticket, maraming local tourists ang nais na lang na mag-abroad sa halip na magtungo sa lokal na destinasyon dahil mas mura pa ang ticket sa ibang bansa.
National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras