Enrique Gil

NATABUNAN na ang love team nina Enrique Gil at Liza Soberano sa pagpasok ni Diego Loyzaga sa Forevermore.

Matatandaang Xander/Superman at Agnes ang bukambibig ng napakaraming loyal viewers ng Forevermore at pati sa social media ay ito rin ang karamihan sa mababasa.

Pero parang tsunami na bigla nang na-washout ang tambalang Enrique at Liza dahil kay Diego, alyas Batman sa buhay ni Agnes.

IPOPHL's, nag-react sa mathematical discovery ng guro sa Quezon

Ang tiyuhin naming si Chef Bonggo Calawod na taga-Tampa, Florida USA ay avid viewer ng Forevermore at maski oras ng trabaho ay nanonood pa rin dahil may sarili siyang monitor sa kusina.

Detalyadong naikukuwento sa amin ni Tito Bonggo ang lahat ng mga eksena na gusto niya.

“I think, mas okay ang chemistry nina Agnes at Jay,” at tinanong ko siya kung sino si Jay, kasi hindi ko naman napapanood ang programa. “The character played by Diego Loyzaga,” sabi sa amin.

Parehong bagets looking daw sina Diego at Liza kumpara kay Enrique na halatang malaki ang agwat ng edad sa dalagita.

Nagpadala rin ng mensahe sa Facebook si Tito Bonggo na kinantahan daw ni Diego si Liza. “Jay: This song is an original. I wrote it myself for the girl I love. Its entitled Macy. And Macy stands for Maria Agnes Calay! Ang galing ng manok ko.”

In fairness, may boses si Diego at hindi lang namin alam kung marunong siyang sumayaw na forte naman ni Enrique.

Naku, ‘pag nagkataon na marunong ding sumayaw si Diego bukod sa pagkanta at umarte, e, may tulog na nga si Enrique dahil hindi kagandahan ang boses niya.

Masisilat na naman ba ni Diego kay Enrique si Liza? Parang mauulit na naman ang nangyari noon sa seryeng Princess and I na ang dapat na magka-love team ay sina Enrique at Kathryn Bernardo, pero mas nag-click ang tambalang Kath at Daniel Padilla, na sa katunayan ay sa seryeng ito nagsimula ang tawag na KathNiel.

Nasilat din ni Iñigo Pascual kay Enrique si Julia Barretto na una ring itinambal sa kanya.