Liezl Martinez

NAGISING kami sa mensaheng natanggap namin kahapon na pumanaw na si Liezl Sumilang-Martinez, asawa ng aktor na si Albert Martinez, sa edad na 47.

“Anna Lisa ‘Liezl’ Sumilang Martinez, peacefully passed away in her sleep at 6:15 this morning, 14th of March 2015. She was 47.

“Liezl is surrounded by her beloved husband, Albert; precious children, Alyanna, Alfonso, and Alyssa; loving mother, Amalia; father Bobby; and her relatives at this time of love and grief.

National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara

“Thank you for your continued prayers. The family shall be sharing the funeral announcement soon.”

Earlier this week namin sinulat na muling itinakbo sa hospital ang asawa ng aktor dahil sa malubha nitong karamdaman at humihingi na ng panalangin ang buong pamilya. At nitong nakaraang Huwebes ay napabalitang iniuwi na ng pamilya si Liezl sa bahay nila.

Marami ang nagulat sa pagpanaw ni Liezl kahapon na na-diagnose na may breast cancer dahil inakala ng lahat na magaling na siya base na rin sa panayam noon kay Albert na magaling na nga dahil nagpa-stem cell silang pareho.

Maging ang mga kakilala’t kamag-anak naming nasa ibang bansa ay kaagad na nag-message sa amin sa Facebook kung totoo ang nabalitaan nila sa ABS-CBN.

Sa Arlington Memorial Chapel masisilayan ang labi ni Liezl.

Mula sa amin dito sa Balita, taos puso po kaming nakikiramay sa mga naulila ni Liezl. --Reggee Bonoan