Sa patuloy na detensiyon nang walang piyansa kay dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay inilutang ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention (UNWGAD), na isang lupon ng independent human rights experts na binuo ng UN upang mag-imbestiga sa mga kaso ng arbitrary arrest at detensiyon na maaaring lumalabag sa international human rights law.

Isinampa ang kaso nina international human rights lawyer Mrs. Amal Alamuddin Clooney at British law partner Katherine O’Byrne. Ang paratang ng petisyon na nakadetine si Gng. Arroyo nang mahigit tatlong taon habang mabagal na umuusad ang kaso sa pamamagitan ng judicial system. Tinutulan ng hukuman ang mga petisyon para makapagpiyansa, gayong lima sa kanyang kapwa akusado sa P366 milyong kaso ng pandarambong ay pinayagang makapagpiyansa. Ani Gng. Clooney, ang kaso ay “politically motivated and persecutory in nature.”

Sabi naman ni Secretary of Justice Leila De Lima na ang pagkakadetine ni Gng. Arroyo ay naaayon sa independent judicial processes ng Pilipinas, at kailangan munang gamitin ng dating pangulo ang lahat ng paraan sa bansa bago magsampa ng reklamo sa UN. Itinanggi ng secretary ang paratang na political persecution, sinabi na hindi maaaring sisihin ang administrasyong Aquino sa mga hakbang at desisyon ng Ombudsman, na isang independent constitutional body, at ng Sandiganbayan, na bahagi ng kahalintulad na independent judiciary.

Ang puntos ni De Lima ay inaasahan sa isang secretary of justice. Maaaring sabihin ng administrasyon na wala itong kinalaman sa mga proseso ng Ombudsman at Sandiganbayan, at lahat ay kumikilos nang naaayon sa batas. Gayunman, ang Clooney petition sa UN ay nagpalutang sa isyu sa isa pang antas, kung saan masidhing susuriin ng international experts ang mga pahayag na ito.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Ang sinabi ng administrasyon na legal ang lahat ng nangyari at wala itong impluwensiya sa mga hakbang ng isang independent ombudsman at hudikatura, ay huhusgahan kontra sa counter-claim na sa bansang ito ngayon, maraming sinasabi ang administrasyon sa mga gawain ng waring independent bodies na ito.

Isang katotohanan na sumusuporta sa administrasyon sa mga kasong ito ay ang pagkakaroon ng mga aklat ng batas hinggil sa plunder na nananawagan ng detensiyon nang walang piyansa sa mga kaso ng illegal na pagkamal ng yaman na kinasasangkutan ng P50 milyon o higit pa. Maaaring gamitin ng gobyerno ang batas na ito upang idetine ang mga kaaway sa pulitika sa simpleng pagsasampa ng angkop na kaso ng pandarambong. Ang maaaring remedyo rito ay ang isang pag-amiyenda upang igiit ang agarang resolusyon ng kaso, kabilang ang pagtatakda ng mga deadline, upang maiwasan ang indefinite detention ng isang akusado.

Gayunman, ang kaso ni Gng. Arroyo ay nasa UN ngayon at matatalakay sa mas malawak na international arena. Titingnan ng UN Working Group hindi lamang ang kaso mismo ni Gng. Arroyo kundi pati na rin ang judicial system ng Pilipinas. Anuman ang maging desisyon ng UN group ay walang timbang, ngunit ang isang salungat na desisyon ay maaaring magdulot ng kapinsalaan sa bansa.