OKLAHOMA CITY (AP)- Isinalansan ni Russell Westbrook ang kanyang ikaanim na triple-double sa walong mga laro kung saan ay nagposte ito ng 15 sa kanyang 29 puntos sa fourth quarter upang tulungan ang Oklahoma City Thunder sa 113-99 victory kontra sa Minnesota Timberwolves kahapon.

Lumabas ng korte si Westbrook sa nalalabing 2:13 sa orasan, sinasabing kinulang sa rebound, ngunit nagbago ang scoring na nagbigay sa kanya ng ika-10 rebound kasama ang 12 assists.

Nagtala ito ng walong triple-doubles ngayong season at 16 sa kanyang career.

Inasinta ni Enes Kanter ang 23 puntos at 15 rebounds, habang nag-ambag sina Dion Waiters at Mitch McGary ng tig-12 puntos para sa Thunder.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinipa ni Gorgui Dieng ang 21 puntos at 14 rebounds, habang nagdagdag si Justin Hamilton ng 17 puntos at 10 boards para sa Timberwolves, nabigo na sa pito sa kanilang walong laro.

Nilisan ni Minnesota point guard Ricky Rubio ang laro sanhi ng tinamong ankle injury sa third quarter at ‘di na nagbalik pa.

Una munang nag-init ang Timberwolves bago kumulapso sa kalagitnaan ng fourth quarter, nang ikasa ni Westbrook ang 3-pointer na nagbigay sa Thunder sa 95-82 lead. Isang malayong 3-pointer ang muling pinakawalan ni Westbrook kung saan ay nakatanggap pa siya ng foul, naisakatuparan ang kanyang free throw upang ibigay sa Thunder ang 106-90 advantage, may 3:31 pa sa laro.

Sadyang nanahimik si Westbrook sa unang half hanggang ang kanyang 32-footer sa papaupos na segundo ang nagbigay sa Thunder ng 55-49 edge. Nagtala si Kanter ng 13 puntos at 11 rebounds sa first half, habang si Dieng ay kumubra ng 11 puntos at 10 rebounds para sa Timberwolves.

Nakuha ni Westbrook ang kanyang ika-10 assist sa third quarter, habang ipinagpatuloy ni Kanter ang kanyang malakas na laro upang ibigay sa Thunder ang 79-72 lead sa fourth.

TIP-INS

Timberwolves: Pinagpahinga si center Nikola Pekovic sanhi ng sore right ankle. Hindi nakita sa aksiyon si forward Kevin Garnett sanhi naman ng sore knee. Nagtala ang Timberwolves ng 1 assist sa first quarter.

Thunder: Nawala rin sa aksiyon si forward Serge Ibaka dahil sa tinamong sore right knee. Nakamit ni McGary, isang rookie, ang kanyang unang career start. Humalili si Waiters kay Kyle Singler, sinimulan ang lahat ng kanyang 10 mga laro simula ng kunin sa isang trade deadline.