Muling magbabalik sa lona ng parisukat si one-time world title challenger Mercito Gesta ng Pilipinas sa laban nito sa Amerikanong si dating world rated Carlos Molina sa Abril 30 sa Fantasy Springs Resort Casino sa Palm Springs, California.

Ito ang unang laban ni Gesta mula nang lumipat sa Golden Boy Promotions ni six-division world champion Oscar de la Hoya matapos bitawan ni Top Rank big boss Bob Arum nang matalo siya sa puntos kay dating IBF lightweight champion Miguel Vasquez ng Mexico noong Disyembre 12, 2012 sa Las Vegas, Nevada.

“Mercito Gesta (28-1-1, 16KOs) will be facing Carlos Molina (17-2-1, 7KOs) on April 30th at the Fantasy Springs Resort Casino in Palm Springs on a card that will be televised by Fox Sports 1,” ayon sa ulat ni BoxingScene.com news edtitor Steve Kim.

“Gesta last fought in July where he impressively stopped Luis Arceo in seven rounds at the Longshoremen’s Hall in San Francisco, while Molina is coming off a loss to Adrien Broner last May on the undercard of Floyd Mayweather’s first bout against Marcos Maidana in Las Vegas,” dagdag sa ulat.

Metro

₱45 per kilong bigas, mabibili na sa NCR simula Nobyembre 11

Nilinaw ni GBP matchmaker Robert Diaz na maghaharap sina Gesta at Molina sa timbang ng lightweight division o magkaroon man ng catchweight ay hangggang 138 pounds lamang ang pinakamabigat na timbang.