Marso 15, 1892 nang pagkalooban si Jesse Reno (1861-1947), engineering graduate, ng U.S. Patent No. 470,918 para sa unang escalator sa mundo na tinawag na “Endless Conveyor or Elevator”. Isang step-less platform, binubuo ito ng handrail, conveyor, mountings, drives at comb plates.

Makalipas ang apat na taon, inilunsad ni Reno ang escalator bilang isang amusement park ride sa Coney Island sa New York. Sa isang demonstration, mahigit 75,000 katao ang sumakay sa escalator sa bahagi ng Brooklyn Bridge sa Manhattan.

Ang precursor sa escalator ay ang steam-powered na “Revolving Stairs,” isang escalator-like machine na inimbento ni Nathan Ames ng Saugus sa Massachusetts.

Taong 1897 nang baguhin ni Charles Seeberger ang disenyo ng escalator, na mayroon nang mga hahakbangan.

National

Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8

Katuwang ang Otis Elevator Company, nabuo ni Seeberger ang unang commercial escalator sa mundo, isang wooden mechanism na nakatanggap ng unang gantimpala sa Paris 1900 Exposition Universelle.