SINUPORTAHAN ni Beyonce ang kanyang malapit na kaibigan.

Ginamit ng 33 taong gulang na superstar ang kanyang website upang ipaabot ang kanyang suporta sa isa sa kanyang backup singer na si Tiffany Monique Riddick, na nakikipaglaban sa cancer.

“We love you, Tiffany,” pahayag ng Drunk In Love singer, kalakip ang isang larawan ni Tiffany. “Wishing you a speedy recovery. Love, Beyonce.”

Nagsimulang maging backup singer ni Beyonce si Tiffany noong 2007. Naging backup singer din siya nina Mariah Carey, Christina Aguilera, Kelly Clarkson, Anita Baker, Stevie Wonder at Kenny Loggins. Taong 2013, sinabi niya sa New Jersey Monthly na lilisanin niya ang kanyang trabaho at naging fully committed sa Single Ladies singer at naging isa sa “the Mamas,” ipinangalan ni Beyonce sa kanyang tatlong backup singer.

Generals nag-walk out daw sa isang command conference; AFP, nagsalita na

Nagpahayag ng suporta si Beyonce isang linggo matapos ibahagi ni Tiffany sa kanyang Facebook account noong nakaraang Linggo na siya ay “quite a bit of pain.”

“Fevers, a-fib, no food or water since last Tuesday, quite a bit of pain and a lot of fatigue today,” pahayag niya. “I’m finally ‘comfortable’ so I’m gonna get some sleep while the going is good.”

At sinundan ng mga hashtags na “‪#‎fckcancer‬ ‪#‎godsgotthis‬ ‪#‎bravethestorm.” - Yahoo News/Celebrity