LOS ANGELES— Bagamat may maningning na 47-0 record, sinabi ni Hall of Fame trainer Freddie Roach na si Floyd Mayweather Jr. ay, “is not invincible”.
Haharapin ni Pacquiao si Mayweather sa Mayo 2 sa Las Vegas at naniniwala si Roach believes na napanatili ng US na maging undefeated ay dahil sa siya’y, “chose and pick fights.”
“He ducked a lot of guys. There were three or four fighters he didn’t want to fight,” pahayag ng 55-anyos na si Roach, naging cornerman ni Pacquiao simula pa noong 2001.
Sinabi ni Roach na ‘di siya nababahala kay Mayweather at ‘di naman natatakot ang kanyang alaga na si Pacquiao na sa ngayon ay 2-1 underdog sa kanilang scheduled 12-round welterweight unification bout sa MGM Grand.
“Mayweather was forced into this fight…he didn’t want this fight.”
Sinabi ni Roach na target ni Pacquiao na mapabagsak si Mayweather bagamat ang Amerikanong boksingero ang pinapaboran kung saan ay minamataan na ng beteranong trainer na ibibigay ng kanyang fighter ang lahat upang ma-expose ang 38-anyos na Detroit native.
“Five years ago, we would have gaced lots of problems with this guy but this time, we’re going to knock him out,” pahayag ni Roach.
Nasa kainitan na sa kasalukuyan ng pagsasanay si Pacquiao kung saan ay sisimulan na ang kanyang sparring phase para mas mapalakas ang kanyang buildup sa Martes.
Samantala, nasa tama ring target si Mayweather sa Sin City kung saan ay may mga ulat na pinahihirapan nito ang kanyang sparring partners. (Nick Giongco)