MAMASAPANOREPORT_CRAME_03_VARCAS_140315 (banner photo) copy

Naghain kahapon ang isang dating Iloilo congressman ng mga kasong corruption at usurpation of authority laban kina dating Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Alan Purisima at sinibak na Special Action Force (SAF) chief Director Getulio P. Napeñas sa Office of the Ombudsman (OMB) dahil sa kanilang naging papel sa pagkamatay ng 44 na police commando sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.

Inakusahan ng dating kongresista at dating Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) chief na si Augusto Syjuco Jr. si Purisima ng pagganap sa tungkulin kahit na suspendido ito, at si Napeñas dahil sa pagsunod sa utos ng heneral.

Sa 15-pahinang reklamo, inakusahan ni Syjuco si Purisima ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa pakikialam sa Oplan Exodus kahit na suspendido sa tungkulin noon pang Disyembre 2014.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sinabi ni Syjuco na mismong si Pangulong Benigno S. Aquino III ay umamin na may “lack of coordination” sa puwersa ng gobyerno at sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) nang isagawa ang Oplan Exodus at alam din ni Purisima ang tungkol sa operasyon na hindi ipinabatid kina Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas at acting PNP chief Deputy Director Gen. Leonardo Espina.

“As many claimed, Purisima not only knew of the operation, but actually controlled and directed the operations, despite his being currently suspended from duty,” ani Syjuco.

Dagdag niya, “The fatal covert operation that killed 44 members of the elite SAF had been assigned by President Benigno Aquino to suspended National Police Chief Alan Purisima, apparently without the knowledge of Interior Secretary Manuel ‘Mar’ Roxas. On this point alone, it may well be said that Aquino considered Purisima as still the ‘de facto PNP chief’ in assigning to him the sensitive mission, despite his suspended status,” saad sa reklamo.

Giit ni Syjuco, marami at malinaw ang mga ebidensiya na nagpapatunay na pinangasiwaan nga ni Purisima ang operasyon sa Mamasapano kahit pa suspendido ito ng Ombudsman.

“No advisory ‘palusot’ can save Purisima. His attempted distinction, as a lame excuse, with nary a shame, between an ‘order’ and an ‘advice’ is one for the books, and that he was allegedly not issuing orders, but merely giving advise. Wow, this is completely absurd and incredulous. How can one without any remorse be forgiven?” ani Syjuco. (Jun Ramirez)