“Spare the civilians.”

Ito ang apela kahapon ni Mohagher Iqbal, chief negotiator ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), sa gobyerno.

Ginawa niya ang apela makaraang iulat ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang pagdami ng mga evacuee, na tinagurian ding internally displaced persons (IDPs).

Nanawagan si Iqbal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) “to speed up its operation to spare the civilians.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sa palagay ni Iqbal, mahihirapan na ang militar na matunton ang mga kasapi ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM) dahil posibleng nakakalat na ito sa iba’t ibang lugar.

Kasabay nito, sinabi ni Iqbal na hindi nawawalan ng pag-asa ang MILF na maipapasa sa Kongreso ngayong taon ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) na tinawag niyang “the way to peace”.

Iniulat ni ARMM Executive Secretary Atty. Laila Masuhud Alamia na halos kasing lawak na ng Metro Manila ang pinagsama-samang conflict-affected areas (CAAs) sa 11 munisipalidad sa Maguindanao, at nasa 19,075 pamilya o 93,402 katao na ang lumikas, batay sa datos nitong Marso 12.

Tinutugunan naman ng Humanitarian Emergency Action and Response Team (HEART) ng ARMM ang mga pangangailangan ng evacuees, at gumagastos ng P12.3 milyon linggu-linggo para sa mga ito. (Edd K. Usman)