Hindi umubra ang liham na ipinadala ng 16 senador sa Sandiganbayan Third Division na humihiling na isailalim sa house arrest si Sen. Juan Ponce Enrile dahil sa karamdaman nito.

Ayon kay Third Division Clerk of Court Atty. Dennis Pulma, maaari lamang tanggapin ng anti-graft court ang liham subalit hindi nila ito maaaksiyunan.

Pulma indicated that the Sandiganbayan Third Division, which is handling the graft and plunder charges against Enrile, can only take note of the letter from the Senate.

“The court can only act on motions or appropriate pleadings filed by the parties,” paliwanag ni Pulma.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ngayon, wala sa prosekusyon o abogado ni Enrile ang naghain ng petisyon upang maisailalim ang beteranong senador sa house arrest.

Sinabi ni Pulma na nakasaad sa liham ang ilang bahagi ng privilege speech ni Sen. Vicente “Tito” Sotto III na naghahayag ng pagpabor ng 16 senador na mailagay sa house arrest si Enrile, na nahaharap sa kasong plunder kaugnay sa multi-bilyong pisong pork barrel fund scam.

Samantala, inihayag din ni Pulma na nagpadala ng dalawang ulat ang Makati Medical Center (MMC) sa Sandiganbayan noong Martes at Huwebes hinggil sa kondisyong medikal ni Enrile.

Kasalukuyang naka-hospital arrest ang 91-anyos na mambabatas sa Philippine National Police General Hospital sa Camp Crame matapos siyang sumuko sa awtoridad noong Hulyo ng nakaraang taon.