Maja at Kim

NAITANONG kay Maja Salvador sa presscon ng Sisters Napkins kamakailan ang tungkol sa samaan ng loob nila noon ni Kim Chiu. Ang sagot niya, tuloy-tuloy na ang pagiging maayos ng samahan nila na nag-umpisa noong reunion party ng buong cast ng dating seryeng Ina, Kapatid, Anak na pinagbidahan nila.

Marami ang nag-aalinlangan pa kung totoo ngang bati na sila until naglabasan sa social media ang ilang photos na magkasama sila sa nasabing reunion event.

Kinumpirma rin ni Kim na okay na talaga sila ni Maja bago pa man naganap ang reunion party.

POGO dapat tuldukan na, kalampag ni Kiko kay PBBM sa SONA

“Nagkikita naman talaga kami sa ASAP. Wala lang pictures noon pero ngayon nakita n’yo ‘yung mga pictures at kalat na sa social media. All is well, that ends well,” masayang banggit ni Kim. “Kung si Lord nga nakakapagpatawad, ikaw pa kaya?”

Pareho nang naka-move-on kung ganoon sina Maja at Kim sa dating sigalot nila na matatandaang nag-ugat sa ‘agawan’ kay Gerald Anderson. Si Kim ang ex-girlfriend ni Gerald na current boyfriend na ni Maja. Hindi ito matanggap noon maging ng Kimerald fans dahil best friend daw ni Kim si Maja na hindi raw dapat “pinatos” si Gerald.

But nasa moving on process stage na silang dalawa ngayon. Sabi pa ni Kim, gradually ay manunumbalik din sa dati ang friendship nila ni Maja.

“Dahan-dahan,” ani Kim sa paglalapit muli ng kanilang loob ni Maja. “At least hindi mabigat sa loob ng isang tao na may alam kang may kagalit. Dapat peace lang lahat para happy ‘yung vibe mo, happy ‘yung environment mo.”

Hindi na sila nag-iiwasan o nagkakailangan kapag nagkakasalubong sa ABS-CBN compound.

“Wala, sobrang okay at parang ang sarap ng pakiramdam na gigising ka ng umaga at okay sa ‘yo ang lahat ng tao,” pahayag ni Kim.

Masaya rin niyang ibinahagi ang kanyang pagbabalik-teleserye under Star Creatives with Xian Lim. Ngunit, ayaw pang sabihin ni Kim ang title hangga’t wala pang story conference na nagaganap. --Ador Saluta