Ideneklara ng Manila Metropolitan Trial Court (MTC) na guilty ang dating barangay chairman na si Antonio Castro sa kasong three counts of unlawful solicitation matapos itong tumanggap ng P30,000 mula sa isang supplier para sa isang proyekto sa kanilang komunidad.

Iniharap ng mga prosekusyon ng Ombudsman ang residbo bilang patunay na tumanggap si Castro ng iba’t ibang halaga noong 2010 at 2011 bilang kapalit sa proyekto para sa Aljon Trading na pag-aari ni Allan Garcia, isang regular na supplier sa Barangay 397, Zone 41, 4TH District ng Manila.

Sa 8-pahinang desisyon, sinabi ni MTC Presiding Judge Glenda Mendoza Ramos na walang nagawa ang kontratista (Allan Garcia) kung hindi magbigay ng komisyon kay Castro para lamang makuha niya ang proyekto.

Dahil dito, ipinagmulta ng korte si Castro ng P15,000. Sinabi ng huwes na nakasaad sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees na ilegal para sa sino mang kawani ng gobyerno na mag-solicit, tumanggap ng regalo, suhol, pabor, entertainment, utang o ano mang may halaga mula sa isang taon na nakikipagtransaksiyon sa kanila. - Jun Ramirez

Sagad na ang pasensya? VP Sara pinagmumura sina PBBM, FL Liza, Romualdez